Ako Bilang Isang Mamamayang Pilipino

storya ni Monaliza L. Alcaraz

Pwede akong maging isang superhero. ‘Yung superhero na magbibigay lunas sa mga problemang kinakaharap ng kapwa kong mamamayan at ang pinakamahalaga sa lahat, ang aking pagiging tapat. Naku! Sobrang hirap nun. Marami pa namang mga kontrabida na magaling manghikayat at magsinungaling sa mga tao na handang manuod at makinig sa kanila. Pero ‘di ako magpapatalo sa mga ‘yon! Hindi sila karapat-dapat na maging makapangyarihan.

Sila’y dapat kong kalabanin sa paggamit at pagpapakita ng aking super powers. Simple lang: ang pagbatid ng aking mga ideolohiya para sa ikabubuti ng lahat at ang pagiging tapat. Lahat ng meron ako, ipapahiwatig ko sa kanilang lahat. Ang tanong, makukuha ko kaya ang pansin nila sa samu’t-saring inaalok ng mga iba’t-ibang kontrabidang umaaligid sa kanila? ‘Di kaya ako matabunan ng yapak ng masa sa lupa sa pagtakbo at paghiyaw nila patungo sa mga bida sa sinehan na gustong pumasok sa makapangyarihang institusyon? Paano na ‘ko?

E…gusto ko lang naman ay maghangad ng magandang kinabukasan para sa lahat ng mamamayan. E kung pulbusan ko kaya ang aking mukha at paliguan ang sarili kong katawan sa kolon? Siguro naman magiging kaakit-akit na ‘ko nun… Pero, hindi! Hindi dapat ganun. Mali ‘yun. Dapat laging tapat. Tapat, tapat, tapat, tapat. Sa sarili ko at para sa kanila. Siguro naman sapat na ‘yon..dahil ayokong pabanguhan ang aking sarili habang tumutulo ang pawis nila’t nangangamoy araw ang kanilang mga buhok. Makiisa o bumukod? Dapat makiisa kahit na nabubukod. 

Ang istorya na ito ay nagsisilbing pananaw ko sa lahat ng aking natutunan mula sa kursong Citizenship & Governance. Kung tutuusin, marami pa ‘yan ngunit hindi na kinaya ng powers na sa kaunting oras ay makabuo ng storyang sasakop sa lahat ng natutunan ko. Pwede. Ngunit kakailanganin ko ang apat na buwan o mahigit sa pag-revise at pag-rewrite ng mga pangungusap.

Simple lang naman. Bilang mamamayan, sikapin nating maging isang mabuting tao sa pagsunod sa batas at pag-respeto at pagbibigay halaga sa mga taong pumapaligid sa atin at ang kani-kanilang perspektibo sa buhay. Dapat ay maging mapanuri tayo sa pag-iisip lalo na’t maraming manloloko diyan at dapat lang na sanayin natin ang mga utak natin sa pag-aaral para magkaroon tayo ng maraming kaalaman. Bilang isang mamamayan, mahalaga din ang pagiging malikhain dahil saan na tayo pupulutin kung wala tayong natatawag na sariling atin? Itong pagbibigay paliwanag ay isa din na dapat gawin ng isang mamamayan, ako o sinuman, para magkaunawaan tayo sa mundong ito kung saan lahat ay may nais ipahiwatig.

Kahit na sinisikap natin ang lahat na ito at ang iba pang magagandang asal, tao lamang tayo at nagkakaroon din tayo ng mga pagkakamali. Nadadapa, gumagawa ng masama, hindi matiis ang mga tungkulin, nagkakaguluhan, atbp. Ang isipin na lang natin, laging may paraan para malutasan lahat nang ‘yan. Basta’t hangarin natin na lagi tayong may magandang intensiyon sa lahat ng gagawin natin at siguradong positibo ang mga bagay na lalapit sa atin. 

 

Salamat sa pagbasa.

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s