Batang Usisero

sanaysay ni Monaliza L. Alcaraz

Anakbayan flag

(photo source: https://twitter.com/anakbayanpanay)

Mahirap mag-tagalog lalo na’t nakasanayan ko nang magsulat gamit ang banyagang wika na patuloy kong ginagamit mula ako’y nasa elementarya hanggang sa pag-kolehiyo. Ganun pa man, gusto kong subukan lumikha ng isang sanaysay kung saan sasabihin ko ang mga saloobin ng aking pag-iisip tungkol sa mga bagay na nais kong malaman sa pamamagitan ng pag-interbyu sa mga miyembro ng isang prominenteng organisasyong politikal, ang Anakbayan.

Inaasahan ko na sa pag-interbyu ng mga kalahok mula sa Anakbayan ay unti-unti kong malalaman ang tungkulin nila sa mas malaking lipunan. Napakahalaga na malaman ko ang kanilang mga ideolihiya at ang mga aktibidad na kanilang isinasagawa sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas dahil dito ko mababatay ang layunin ng organisasyong ito. Mahalaga din na malaman ko ang opinyon ng kaunting miyembro tungkol sa iba’t-ibang pambansang isyu na lumalaganap sa panahon ngayon at dati. Nais ko rin malaman ang ibig sabihin sa kanila ng pagiging miyembro nitong organisasyon at ang kahalagahan nito bilang parte ng kanilang buhay.

Balak kong gumawa ng verbatim transcript sa magaganap na interbyu para ito’y mabalik-balikan ko sa pagnanais ko na talagang matutunan ang buhay aktibista, hindi lang sa kung paano sila inilalarawan ng media. Paano kung magkasalungat ang pinapakita ng media na bumubuo pa man din ng opinyon ng kanilang tagasubaybay sa malalaman ko?

Sa mga tagabasa na aking sanaysay, wag sana kayong basta-basta na lang naniniwala sa kung ano ang pinapakita ‘nila’ sa inyo. Matuto sana kayong mapanuri kung mag-isip lalo na sa mga isyu na nakakaapekto sa lipunang ating mahal.

Para sa mga katanungan ukol sa sanaysay na ito, maaaring magbigay puna sa ilalim ng mismong blog entry. Maraming salamat!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s